Pataleo

m. Pagdarag; pagkaság ng paá.

Tunóg ng sikad ó darag.

Patatal

m. Lupàng maraming taním na papas.

Patear

a. Pagsikarán; pagtatadyakán.

n. Magtatadyák; dumarag; dumabog sa galit.

Patente

adj. Hayág; tanyág; litáw.

fig. Malinaw; maliwanag.

f. Pahintulot na ibiníbigáy sa kanino man upáng makapangalakal ó makapaghanapbuhay, kailán ma’t nagbayad ng ukol na buwís sa Pámahalàan.

Paternal

adj. Ang sarili ng amá, ó náuukol dito.

Paterno, na

adj. Ang náuukol sa amá, ó sarili niyá, ó galing sa kanyá.

Patio

m. Patio; ó harapán ng bahay ó simbahan, na may bakod at walâng bubóng.

Patochada

f. Salitâng pahungháng at bastós.

Patón, na

adj. fam. Ang malakí ang mga paá at masamâ ang tabas.

Patraña

f. Balitàng kasinungalingan; ó salitâng kathâkathâ lamang.

Patrañero, ra

adj. Ang mapagbalità; ó mapagkathâ ng kasinungalingan.

Patria

f. Ang bayan, ó lupàng tinubùan ng isáng tao.

Patrimonial

adj. Ang náuukol sa arìng minana sa magulang.

Ang nádarapat sa isá dahil sa kanyáng tinubùang lupà ó amá.

Patrimonio

m. Ang pagaarì ó kayamanang minana sa magulang.

Mana.

Patrio, tria

adj. Ang náuukol sa bayang tinubùan.

Ang náuukol sa amá; ó galing sa amá.

Patriota

m. Ang may pagibig at pagmamasakit sa bayang tinubùan.

Patrocinar

a. Tangkilikin; ampunín; tulungan; ó tumangkilik; umampón; tumulong.

Patrocinio

m. Pagtatangkilik; pagaampón.

Tangkilik; ampón; tulong.

Patrón, na

m. y f. Tagapagtangkilik; tagapagampón.

Ang punòng namamahalà ng isáng sasakyán.

Ang santóng pintakasi ng isáng simbahan ó bayan.

Ang may arì ng bahay na pinanúnuluyanan.

Huwaran; parisán ng anománg bagay.

Patrono

m. Tagapagtangkilik; tagapagampón; tagapagtanggól.

Pintakasi.

Panḡinoón.

Mámumuhunán.

Patrulla

f. Mga sundalong nagbabantáy ó naglilibót sa gabí.

Patrullar

m. Magbantáy ó maglibót sa gabí ang mg̃a sundalo.

Paulatino, na

adj. Mahiman; mabagal sa pagpapasiyá ó sa paggawâ.

Pausa

f. Pagtigil; paghintòng sandalî sa anománg gawâ ó kilos.

Kabagalan; kahinayan.

Pausar

n. Tumigil; humintô sa anománg kilos ó gawâ.

Pauta

f. Ang papel na may guhit na gamit ng mg̃a batà sa pagaaral ng pagsulat; at ang kasangkapang pangguhit sa papel na itó.

fig. Huwaran; parisán.

Pautar

a. Guhitan sa pauta ang papel; ó magpauta ng papel.

fig. Magtakdâ, ó maglagáy ng pátakaráng susundín sa paggawâ ng anomán.

Pavada

f. Pabuhán; ó kawan ng pabo.

Pavero, ra

m. y f. Ang nagaalagà ng mg̃a pabuhán; ó nagbibilí ng pabo.

Pavimento

m. Alinmáng sahíg na bató ó lariyó ng isáng bahay ó gusalì.

Pavonear

n. y r. Magparangalan; magmagalíng; magpalalò dahil sa gandá, yaman, at ibá pa.

Pavor

m. Takot na malakí; sindák.