Poder

a. Mangyari; maari; makaya.

Makapangyari.

Makakaya; ó magkaroón ng lakás na gumawâ, lumaban ó magtiís

Maka; ó makagawâ ng anomán.

impers. Marahil; ó malapit mangyari.

m. Kapangyarihan.

Lakás; bagsík; kaya; kabagsikan; kakayahán.

Poderdante

m. For. Ang nagbibigáy ng kapangyarihan sa ibá, upáng makaharáp ó makagawâ ng anomán sa pangalan niyá.

Poderhabiente

m. For. Ang kinatawáng binigyán ng kapangyarihan ng ibá, upáng makapangasiwà ng anománg arì ó makagawâ ng ibá pang bagay.

Poderoso, sa

adj. Makapangyarihan; ó makapangyayari.

Lubhâng mayaman; ó maginhawa ang buhay.

Dakilà; lubhâng marangal.

Mabisà; mabagsík.

Podredumbre

f. Ang pagka-bulók; ó kabulukán.

Nakabúbulók.

Nanà.

Podrir

a. Bulukín; lapukín; gatùin; gipùin.

r. Mabulók; malapók; magatô; magipò.

n. Mamatáy; málibíng.

Poema

m. Akdâng sinulat sa tulâ.

Poeta

m. Makatà; mánunulâ.

Poética

f. Ang sining ng pagtulâ.

Ang aklát na nagsasaysáy ng mga tuntunin ng pagtulâ.

Poético, ca

adj. Ang náuukol sa tulâ.

Ang sarili, ó nábabagay sa tulâ.

Poetisa

f. Babaing makatà ó mánunulâ.

Polca

f. Ang sayáw na polka.

Ang tugtóg na polka.

Polea

f. Ang gulóng na gumágaláw sa bilog ng isáng ehe at siyáng nagpapatakbó sa mákina.

Kalô.

Polémica

f. Mil. Sining na nagtuturò ng mg̃a laláng sa pakikipagdigmâ, magíng sa pagsalakay at magíng sa pagtatanggól.

Pagtatalo sa pamamagitan ng sulat.

Polemista

com. Ang mánunulat na nakikipagtalo.

Poligamia

f. Ang pagaasawa ng isáng lalaki sa maraming babae ng sabáysabáy; ó ng isáng babae sa maraming lalaki.

Polígloto, ta

adj. Ang aklát na násusulat sa maraming wikà.

Ang taong marunong ng sarisaring wikà.

Polisílabo, ba

adj. Ang salitâ ó pangungusap na maraming pantíg ó sílaba.

Politeísmo

m. Ang pananampalataya ó religión na naníniwalà sa maraming dios.

Política

f. Ang sining ó karunungan ng pamamahalà sa bayan.

Súliraníng bayan.

Ang mabuting paguugali at karunungang makipagkapuwà tao.

Político, ca

adj. Ang náuukol sa polítika.

Magalang; marunong makipagkapuwà tao.

Ang marunong at sanáy sa pamamahalà sa isáng bayan.

Polla

f. Dumalagang manók.

Pollada

f. Ang katipunan ng sisiw na akay ng isáng inahín.

Pollero, ra

m. y f. Ang nagaalagà, ó nagbibilí ng manók; magmamanók.

Pollo

m. Sisiw; ó inakáy ng manók ó ibon.

Ang inakáy ng pukyutan.

Poltronizarse

r. Magpagayóngayón; magalisagà; lumayô sa paggawâ.

Polvareda

f. Ang alikabók na nápapaitaás na gawâ ng hihip ng hangin.

Polvo

m. Alikabók; alabók.

Gabók; gilik.

Polvorear

a. Budburán ó sabugan ng alabók ang anomán; gabukán.